A Gracious God

HINDI KA NAGKULANG
By: Jeramie Sanico
Original artist: Tony Rodeo

Ikaw lang ang pag asa ko
Tanging Ikaw ang buhay ko, Hesus
Kahit ako'y nangangamba
Basta't Ikaw ang kasama
Panatag na
Ikaw lang ang sasambahin
Paligid man ay madilim, Hesus
Kahit may suliranin man lagi Kang aawitan
Ikaw lamang
Chorus:
Kahit kailan di Ka nagkulang
Biyaya Mo sa akin laging laan
‘Pag ibig Mo sa ki’y walang hanggan
Inibig Mo ako noon pa man
(Repeat Verse II & Chorus)
Bridge:
Panginoon dakila Ka’t tapat sa dalangin ko
Ako’y inibig Mo kahit ako ay ganito
Walang katapusan ang pagmamahal Mo
Walang pinipili ang puso Mo 

Exalt: “Hindi Ka Nagkulang”
Empower: Isaiah 30:18; Exodus 34:6-7; Ephesians 1:7; Titus 2:11;
 1 Peter 5:10-11

A Gracious God
Naisip o napagtanto mo na ba kung gaano kabiyaya (gracious) ang Diyos sa buhay mo bilang Kristiyano? Dahil kung hindi, ang ibig sabihin hindi mo pa nauunawaan ang biyaya (grace) ng Diyos.

God is gracious; it is who He is. Ito ay Kanyang kalikasan; hindi nagbabago. He is immutable (constant). God has been gracious (‘khanun’ in Hebrew) to all men since the beginning of time. Hindi Siya nagsawang ipakita ang Kanyang biyaya sa kabila ng pagsuway ng tao. Ngunit si Yahweh ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan…(Isaiah 30:18 MBBTAG) When man messes up again and again and again, He always gives him a thousand second chances. What a great, loving, kind and gracious God He is!

Grace in Hebrew is “khen” which means favor. Ito ay ginagamit sa Lumang Tipan kapag ang isang tao na may mataas na estado o posisyon ay nagbigay ng pabor (undeserved favor) sa isa na may mababang estado (e.g. Potiphar and Joseph, King Ahasuerus and Esther, Boaz and Ruth). One usually gives favor with delight (galak o tuwa). So, when someone “... finds favor in the eyes of God”, it means he finds grace; and God is delighted to give him that favor. Ang Diyos na Siyang Maylikha at nakatataas sa lahat (superior; of higher status) ay patuloy na nagpapakita ng pabor o biyaya sa lahat ng Kanyang nilalang sa pamamagitan ng paghahanap ng paraan upang mapanubalik (reconcile) ang mga ito sa Kanya at mairestore ang kanilang buhay (na napariwara at nawasak dahil sa kasalanan). His grace is for all humanity. Nais Niya na ang lahat ay makasumpong at makaranas ng Kanyang nakamamanghang biyaya (His amazing grace).Grace in Greek is “Kharis”; it also means favor or gift.

Nakatanggap ka na ba ng regalo (gift) na hindi mo deserved? Ito’y binigay hindi dahil karapatdapat kang bigyan kundi ito’y dahil sa kabutihan at pagmamahal ng nagbigay. This is grace; it is unearned; it is an unmerited favor. Binibigyan Niya tayo ng mga regalo(pagpapala) na hindi naman natin pinagpaguran (e.g. the Holy Spirit, salvation, eternal life, peace, joy). Ang biyaya ng Diyos ay napakalawak; marami itong mukha at hindi natin kayang sukatin; subalit ito’y nagkaroon ng malinaw na kahulugan nang isugo Niya ang Kanyang Bugtong na Anak (His gracious gift to us) para mamatay sa lugar natin; Siya na walang kasalanan ay nagdusa para sa atin na mga makasalanan. Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo at pinatawad ang ating mga kasalanan. Ganoon kasagana ang kanyang kagandahang-loob (Efeso 1:7 MBBTAG). We do not deserve this act of extraordinary grace but God gave it to us.

God’s grace never runs out. It is always more than enough. Ikaw ba ay nasa mahirap na kalagayan o situasyon? Nandiyan ang Kanyang biyaya, hanapin mo (seek and you shall find). Ang Kanyang biyaya at pagpapala ay laging nandyan (available), subalit ito’y mapapasaatin sa pamamagitan ng panampalataya. Grace can only be accessed by faith! Maniwala ka na nandiyan ang biyaya ng Diyos; kilalanin mo ito. Sa Kanyang biyaya, humihilom ang mga sugat ng puso (hurts, grief) dahilan upang makabangon at magpatuloy sa buhay. Sapat ang biyaya Niya upang mapagtagumpayan natin ang anumang hamon ng buhay. Kung ating mauunawaan ng lubusan ang Kanyang biyaya, ang ating mga puso ay mapupuno ng pasasalamat (gratitude) at mapapalaya tayo sa anumang takot at alalahanin. Remember always, by His grace, everything we will ever need in this life is already provided!

Elevate: Application/Suggested Question:
1. Isalaysay ang nararanasan mong biyaya o pabor ng Diyos sa iyong buhay.

AI Website Generator
Free Web Hosting